3 pulis tiklo sa kidnapping
July 4, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Nahaharap ngayon sa kasong kidnaping ang apat-katao kabilang ang dalawang pulis makaraang dukutin ang isang traysikel drayber sa kahabaan ng Alfonso-Tagaytay Road, Cavite.
Ang apat na suspek kabilang na ang dalawang pulis ay kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ay nakilalang sina P/Insp. Jorge Villarta Ilano, PO1Noel Villaloboz na kapwa nakatalaga sa Camp Crame; Mario Abu, ng ARESCOM sa Tanza, Cavite at Samsudin Sarip Sr.
Base sa isinumiteng ulat kay P/Sr. Supt. Roberto Rosales, nadakip ang apat makaraang magreklamo sa himpilan ng pulisya ang asawa ng biktimang si Mario Hernandez.
Dahil sa hindi kayang ibigay ng pamilya ang ransom na P20,000 ay nakipag-ugnayan ito sa mga awtoridad kaya agad namang nadakip sa isang kainan sa Tagaytay City ang mga suspek. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended