Aircon bus sinunog ng NPA

CUYAPO, Nueva Ecija – Isa na namang pampasaherong aircon bus ang iniulat na sinunog ng mga rebeldeng New People’ Army matapos na harangin sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay San Antonio ng bayang ito kamakalawa.

Nakilala naman ang driver at konduktor ng Baliwag Transit (CVR-197) na sina Conrado Batongbakal at Eduardo Roberto na walang nagawa habang sinisilaban ang aircon bus.

Hindi naman ginawan ng masama ang mga pasahero matapos na sunugin ang pampasaherong bus bandang alas-8:45 ng gabi. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments