Drug user tinodas sa loob ng kampo
July 3, 2003 | 12:00am
Nalagay ngayon sa balag ng alanganin ang isang pulis na miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang drug user na nang-agaw ng baril ng una sa loob mismo ng opisina ng CIDG sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus, Cavite kahapon ng madaling-araw.
Labingdalawang tama ng bala ng baril sa katawan ang tumapos sa buhay ni Albert Omedez, ng 236 Enrique St., Cavite City, samantala, ang suspek na si PO2 Ronald Ferraer ay nahaharap sa kasong administratibo bukod pa sa isasampang kasong kriminal ng hepe ng pulisya ng Imus.
Napag-alaman na ang biktima ay kusang ipinakulong ni Marilou Hibaga kay PO2 Ferraer sa ilalim ng pamumuno ni P/Chief Insp. Benjamin C. Villasis dahil na rin sa reklamo ng mga kapitbahay kapag lango sa droga.
Pilit namang itinatago ang pangyayari sa mga mamamahayag dahil hindi pa lumulutang si PO2 Ferraer para magbigay ng paliwanag kay P/Supt. Roberto L. Rosales. (Ulat ni Mario D. Basco)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest