Police chief sinibak dahil sa droga
July 3, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Sinibak kahapon sa puwesto bilang hepe ng pulisya ng Hagonoy, Bulacan si P/Supt. Jose Carreon matapos na idawit sa maanomalyang kaso ng droga sa kanyang nasasakupan.
Sinabi ni P/Chief Supt. Vidal Querol, PNP regional director sa Central Luzon, ang pagkakasibak kay Carreon ay matapos na payagan nitong maging proxy ang mister laban sa naarestong suspek na drug trafficker na si Norma Puno-Santiago noong Hunyo 26, 2003.
Naantala naman ang pagsasampa ng kaso laban kay Norma dahil na rin sa pakiusap ni Barangay Chairman Antonio Bengco ng Barangay Sto. Niño kay Carreon na ang ipalit sa kulungan ay si Enrigue na mister ng suspek.
Ang pagpayag ni Carreon ay naging sanhi ng kanyang pagkakasibak sa puwesto at si Bengco naman ay sasampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended