NPA nasakote

CAMP CRAME –Limang kalalakihan na pawang kasapi ng makakaliwang kilusan ang nalambat ng pulisya habang nagpupulong sa Purok 1/6, Barangay San Juan Baño, Arayat, Pampanga kamakalawa.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Ignacio Mesina, 27, alyas Boy; Romeo Guevarra, 32; Edwin Adona, 30; Remy Mesina at Atanacio Nucup.

Ang pagkakadakip sa limang rebeldeng New People’s Army (NPA) ay base na rin sa ipinalabas na search warrant ni Judge Bernandita Gavitan ng Angeles City Regional Trial Court Branch 61.

Ayon sa ulat, narekober sa mga rebelde ang tatlong armalite rifles, shotgun, pistola, Carbine at iba’t ibang uri ng bala ng malalakas na baril.

Isinasailalim na sa tactical interrogation ang limang rebelde ng Pampanga PNP. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments