Notoryus drug syndicate nabuwag
June 26, 2003 | 12:00am
Dahil sa pinaigting na giyera ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo laban sa sindikato ng droga sa bansa ay nabuwag ng mga kagawad ng pulisya sa Cavite ang pinakamalaking grupo na nagpapakalat ng droga sa Region 4 matapos na masakote ang siyam na miyembro nito noong Martes, Hunyo, 24, 2003 ng gabi.
Kabilang sa nalambat ay ang lider na si Benito Simbahan, 49, tubong Ambulong, Tanauan, Batangas, na may patong sa ulo na P.5 milyon; Romerico Geronimo, 30, ng Tanauan, Batangas; Albert Apisial, 21; Fernando Detito, 21; Rommel Nueva, 19; Ruben Gatdula, 22 at Alex Elicano, 20.
Nadakip din ang dalawang anak ni Benito na sina Marlon at Alvin Simbahan kahapon ng umaga makaraang bumalik sa kanilang bahay sa Windward Hills Subdivision matapos tumakas noong Martes ng gabi sa isinagawang raid ng pulisya.
Ayon kay P/Supt. Senior Superintendent Roberto Rosales, ang mga suspek na kasapi ng Simbahan Gang ay sangkot pagpapakalat ang droga, kidnap-for-ransom, gun-for-hire sa Cavite-Laguna-Batangas-Rizal at Quezon (CALABARZON). Si Benito ay may nakabinbing mga warrant of arrest kabilang ang pagpatay sa ABS-CBN employee na si Juanito Malabanan may dalawang taon na ang nakalilipas.
Ayon kay Rosales, tumagal ng 30 minutong paghihintay sa bahay ng pamilya Simbahan dahil ginawang human shield ni Benito ang sariling asawat dalawang anak makaraang matunugang napapaligiran na ng pulisya ang kanyang bahay.
Binigyan pa ng pagkakataong sumuko ang grupo ni Benito hanggang sa tuluyang sumuko dahil na rin sa posibleng mapatay din ang hinostage niyang asawat mga anak.
Narekober sa bahay ni Benito ang tatlong armalite rifles, Thomson sub-machine gun, Carbine, Kalibre.22, granada, ibat ibang uri ng bala ng baril, Toyota Revo (VBZ-766), owner-type jeep, Toyota Corrolla, Honda Accord, motorsiklo, dalawang plaka ng sasakyan at drug paraphernalias. (Ulat nina Arnell Ozaeta, Cristina G. Timbang, Joy Cantos at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest