Si Elioterio Morom Jr. ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng apat na rebelde habang naglalakad papauwi sa naturang lugar.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na binalaan ng mga rebelde ang biktima sa kahina-hinalang ikinikilos nito sa pagbibigay ng impormasyon sa tropa ng pamahalaan pero binalewala nito ang banta.
Hindi na nagdalawang isip pa ang mga rebelde at itinumba ang biktima saka palakad na tumakas na animoy walang nangyari. (Ulat ni Ed Casulla)