^

Probinsiya

Life na hatol sa drug dealer inabsuwelto ng SC

-
Inabsuwelto ng Korte Suprema ang naunang desisyon ng mababang korte ng Baguio City na hatol na habambuhay laban sa isang drug dealer makaraang magbigay sa prosecution ng magkakaibang impormasyon sa pagkakadakip sa akusado noong Oktubre 1999.

Sa 11-pahinang desisyon ng Korte Suprema, inabsuwelto sa kasong droga si Tony Pedronan na hinatulan ng Baguio City Regional Trial Court na nasakote ng mga elemento ng Criminal Investigation Division Group noong Oktubre 21, 1992 sa bahay Kawayan, Abanao ng nasabing lungsod.

Base sa record ng korte, si Pedronan ay nakumpiskahan ng 4.026 kilong marijuana sa isinagawang buy-bust operation pero nang isumite ang mga ebidensya sa nasabing korte ay nagkaroon ng teknikalidad sa pamamagitan nang pagpapalit ng kinalalagyan ng droga at magkakaibang testimonya ng mga awtoridad kaya ibinasura ng Korte Suprema ang kaso.

Inatasan ng Supreme Court ang pamunuan ng New Bilibid Prisons (NBP) na palayain ang akusado sa loob ng limang araw. (Ulat ni Grace dela Cruz)

ABANAO

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY REGIONAL TRIAL COURT

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION GROUP

CRUZ

INABSUWELTO

KORTE SUPREMA

NEW BILIBID PRISONS

OKTUBRE

SUPREME COURT

TONY PEDRONAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with