^

Probinsiya

3 miyembro ng ASG nasakote

-
ZAMBOANGA CITY – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng teroristang Abu Sayyaf at itinuturing na sangkot sa pananalakay sa Sipadan beach resort sa Sabah, Malaysia noong Abril 23, 2000 ang iniulat na nasakote ng militar, ayon sa ulat kahapon.

Ang tatlong Sayyaf na positibong kinilala ng military spotter ay sina Jundan Jawad, 30, Binnayan Abraham, 19 at Ingkas Abbis, 50 na pawang mga tauhan ni Abu Sayyaf leader Galib Andang, alyas Commander Robot.

Base sa ulat na isinumite kay Brig. Gen. Alexander Aleo, Sulu military commander, ang tatlong Sayyaf ay naispatan sa liblib na bahagi ng Barangay Lappah, Maimbung.

Sa ulat ng militar, ang grupo ni Commander Robot na may kaugnayan sa Al-Qaeda terror network ni Osama bin Laden na nanguna sa pagsalakay sa Sipadan bago nang-hostage ng 21 turista na karamihan ay mula sa bansang Europa at Malaysia kabilang na ang dalawang Pinoy na tauhan ng nasabing beach resort bago dinala sa Sulu.

Makaraan ang limang buwang pagkakabihag ng mga turista ay pinalaya rin matapos na magbayad ng ransom.

Si Roland Ullah, isa sa mga hostage mula sa Sipadan ay nakatakas noong Hunyo 4, 2003 matapos ang tatlong taong pagkakabihag ng Sayyaf. (Ulat ni Roel D. Pareño)

ABU SAYYAF

ALEXANDER ALEO

BARANGAY LAPPAH

BINNAYAN ABRAHAM

COMMANDER ROBOT

GALIB ANDANG

INGKAS ABBIS

JUNDAN JAWAD

SAYYAF

SIPADAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with