4 carnapper patay sa shootout
June 20, 2003 | 12:00am
PLARIDEL, Bulacan Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng sindikato ng carnapping at hijacking ang iniulat na nasawi makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulis- Plaridel at Bulacan PNP Traffic Management Group sa itinayong checkpoint sa Barangay Parulan sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Tatlo sa apat na napatay sa shootout ay nakilalang sina Andy Fernandez ng San Francisco del Monte, Quezon City; Alvin Mapalad ng Buenaventura, Malinta, Valenzuela City; Maximo Santiago at isa pang bineperipika ang pangalan.
Bago pa maganap ang barilan ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na may kinarnap na kotse patungo sa North Luzon Expressway kaya nagtayo ng checkpoint ang mga awtoridad.
Naitala ang shootout bandang alas3:30 ng hapon makaraang harangin ng pulisya ang sinasakyang Toyota Corolla (UJE-468) ng mga suspek.
Napag-alaman na ang plaka na ginamit ng mga suspek ay mula sa kinarnap na kotseng Honda sa Barangay Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest