^

Probinsiya

Balikatan 03-1 baka sa Disyembre na

-
CAMP AGUINALDO Posibleng idaos na lamang sa Disyembre ng taong ito ang RP-US joint military exercises na gaganapin sa Western Mindanao.

Ito ang binigyang-diin ni US Pacific commander Admiral Thomas Fargo matapos makipagpulong ito sa AFP at Mutual Defense Board.

"We discussed Balikatan during the MDB meeting and I would tell you that our belief is that Balikatan be best conducted at the completion of the ongoing security assistance training in Luzon and Mindanao," wika pa ni Fargo.

Winika pa ni Fargo na wala pang pinal na Term of Reference (ToR) na nabubuo na magiging saligan ng nasabing Balikatan 03-1 habang sinabi naman ni AFP chief Narciso Abaya na nagsasagawa pa sila ng pag-aaral sa isyu ng regional security bago simulan ang nasabing joint military exercises.

Ipinagmalaki rin ni Fargo na may 140 key leader at members ng Jemaah Islamiyah gayundin ng Al Qaeda network ni Osama bin Laden ang kanilang nabitag sa pinalakas na anti-terrorism campaign.

Kabilang sa nahuling lider ng AFP bilang bahagi ng anti-terrorism campaign na inilunsad ng US at iba pang kaalyadong bansa ay si Fathur Rohman Al-Ghozi na nadakip noong Pebrero 15, 2002 sa Muslim area sa Quiapo, Maynila. (Ulat ni Joy Cantos)

ADMIRAL THOMAS FARGO

AL QAEDA

BALIKATAN

FARGO

FATHUR ROHMAN AL-GHOZI

JEMAAH ISLAMIYAH

JOY CANTOS

LUZON AND MINDANAO

MUTUAL DEFENSE BOARD

NARCISO ABAYA

TERM OF REFERENCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with