200 pulis sa CALABARZON, sabit sa droga
June 6, 2003 | 12:00am
Camp Nakar, Lucena City Humigit kumulang sa 200 pulis na nakatalaga sa ibat ibang bayan sa mga probinsiya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON) ang sabit sa ipinagbabawal na gamot.
Ito ang ibinunyag kahapon ni PNP CALABARZON Regional Director P/Chief Supt. Jaime Caringal nang bumisita ito sa nasabing kampo at magsagawa ng sorpresang drug test sa may 50 pulis dito kahapon.
Ayon kay Caringal ang nasabing bilang ng mga pulis na sabit sa bawal na gamot ay base sa kanyang ulat na natanggap buhat sa ibat ibang field commanders ng pulisya sa mga nabanggit na lugar.
Tumanggi naman si Caringal na tukuyin ang pangalan ng nasabing mga pulis bagaman hinikayat niya ang mga ito na sumailalim sa drug test upang mabatid kung ang mga ito ay positibong gumagamit ng illegal na droga.
Nilinaw naman ni Caringal na bagaman natanggap niya ang ulat hinggil sa mga pulis na sabit sa droga ay hindi nangangahulugan na positibo na ang mga ito sa paggamit ng bawal na gamot kung kaya kinakailangan silang sumailalim sa drug-test batay na rin sa direktibang ipinalabas ni Department of Interior and Local Government Secretary Jose Lina Jr.
Sinabi pa ni Caringal na may average na 40 PNP personnel sa bawat probinsiya ng CALABARZON ang inireport na hinihinalang gumagamit ng ipinagbabawal na droga habang sa Quezon Provincial Police Office ay tinatayang 50 katao ang sangkot sa nasabing illegal na aktibidades. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended