Pagkapatay sa lider ng Pentagon bineberipika
June 3, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Masusi pang bineberipika ng militar ang napaulat na pagkapaslang sa engkuwentro ng notoryus na si Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) leader Tahir Alonto sa Linguasan Marsh sa lalawigan ng Maguindanao.
Base sa kumalat na balita, si Alonto na may patong sa ulo na P5 milyon ay nasawi umano, kasama ang lima nitong tauhan matapos makasagupa ang mga elemento ng militar nitong nakalipas na Linggo sa Linguasan Marsh.
Bagaman kinukumpirma ni AFP-Southcom Chief Major General Roy Kyamko na may napaslang na mga miyembro ng Pentagon KFR sa Brgy. Balungis, Pagalungan, Maguindanao ay hindi pa rin sila makasiguro kung isa na rito si Alonto. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended