Anak ng ex-pres ng Fil-Chi Chambers of Commerce kinidnap
May 31, 2003 | 12:00am
Camp Crame Muli na namang umatake ang mga pinaghihinalaang miyembro ng isang big time kidnap-for-ransom (KFR) gang matapos na dukutin ang anak ng isang mayamang negosyante na dating Pangulo ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce sa lalawigan ng Laguna, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang kinidnap na biktima na si Luisito Yu, 40 anyos, may asawa, anak ng may-ari ng Filipina Candy Factory na si Vicente Yu na naging Pangulo ng Federation of Filipino-Chambers of Commerce noong 1997-1999.
Sa sketchy report na nakarating kahapon sa Camp Crame, ang pagdukot sa biktima ay naganap nito pang nakalipas na Mayo 27 ng umaga sa harapan ng pabrika ng pamilya Yu sa Brgy. Pagsawitan sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna.
Gayunman, ang insidente ay nalaman lamang kahapon matapos na magsumbong ang driver ni Yu sa mga awtoridad pagkaraang palayain ng mga kidnappers upang iparating sa pamilya ng biktima ang malaking halaga ng kanilang ransom demand.
Hindi naman masabi ng driver kung saang lugar sila tinangay ng mga kidnappers dahilan piniringan sila ng kanilang mga abductors. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am