^

Probinsiya

P2.5-M pondo ipinalabas ni GMA

-
Nagpalabas ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng pondong P2.5 milyon para makapagpatayo ng karagdagang silid-aralan sa mahihirap na barangay sa Cavite.

Sa kanyang pahayag sa seminar-workshop ng mga guro ng siyensiya ng National Science High School sa Maragondon, Cavite, sinabi ng Pangulo na ang kakulangan ng silid-aralan ay dapat na sagutin ng school board fund ng mga lokal na pamahalaan.

Sakali’t kulang na ang pondo ng school board, sinabi ng Pangulo na dito na papasok ang gobyerno nasyonal para magkaloob ng ayuda dahil ang edukasyon ay kabilang sa mga serbisyong sagot na ng pamahalaang lokal.

Hinggil sa problema ng kakulangan sa guro, sinabi ng Pangulo na magpapatupad ang Department of Education ng "Distance Learning Program."

Sinabi ng Pangulo na ang "Distance Learning Program" ay isang makabagong sistema ng pagtuturo na mas maraming mag-aaral ang natuturuan ng isang guro sa pamamagitan lang ng isa o dalawang silid-aralan sa pamamagitan ng computer at sa iisa lamang sesyon.

Ang Bagong Bayan Elementary School sa Silang, Cavite ay may 131 estudyante sa bawat guro. Sa Pintong Gubat Elementary School sa Dasmariñas, Cavite, 241 mag-aaral naman sa iisang silid-aralan.

Ipinabatid din ng Pangulo sa mga guro na ang Filipino Chinese Chamber of Commerce ay nangako ng tulong sa pamahalaan para magpatayo ng mga paaralang elementarya at high school.

"We will try to close the classroom gap immediately, kawawa naman ang mga estudyante," anang Pangulo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ANG BAGONG BAYAN ELEMENTARY SCHOOL

CAVITE

DEPARTMENT OF EDUCATION

DISTANCE LEARNING PROGRAM

FILIPINO CHINESE CHAMBER OF COMMERCE

LILIA TOLENTINO

NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SA PINTONG GUBAT ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with