^

Probinsiya

60 MNLF isasabak sa MILF

-
CAMP CAPINPIN, Tanay, Rizal Handang sumabak sa giyera ang may 60 bagong nagsipagtapos sa military training sa ilalim ng ‘integration program’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) laban sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mindanao.

Ito’y makalipas ang anim na taon kasabay ng pormal na pagwawakas ng ‘integration program’ ng pamahalaan sa mga dating miyembro ng MNLF na sumailalim sa pagsasanay ng militar sa Army’s 2nd Infantry Division (ID) sa Camp Capinpin kahapon.

Nanguna sa mga nagsipagtapos sa huling batch ng mga MNLF integrees si 2nd Lt. Harris Malang na nakakuha ng markang 94.060% sa Buklod-Lahi Class 2003, pinakabata sa klase sa gulang na 22 habang ang pinakamatanda naman ay 52-anyos.

Si Malang ay ginawaran ng Commanding General, Philippine Army Saber na nagsabi pang hindi siya natatakot makipagbarilan sa mga rebeldeng MILF dahil tungkulin nila ang ipagtanggol ang Konstitusyon ng bansa.

Ang mga nagsipagtapos sa huling batch ng MNLF integrees ay kinabibilangan ng tatlong babae na determinado ring sumabak sa giyera.

Sinabi naman ni Acting Army Chief, Major Gen. Efren Abu na ang 60 nagsipagtapos ay kinabibilangan ng isang Kristiyano na huling batch ng mga MNLF integrees sa AFP na tamang-tama para maisabak agad sa giyera laban sa MILF at mga komunistang New People’s Army (NPA) sa Mindanao sa mga susunod na buwan.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Abu at ni Training and Commanding General, Brig. Gen. Antonio Seville, ang katapatan ng 60 bagong nagsipagtapos ay base na rin sa naging karanasan sa mga nauna nang grumadweyt na MNLF integrees na naging bayani sa bakbakan sa Mindanao. (Ulat ni Joy Cantos)

ACTING ARMY CHIEF

ANTONIO SEVILLE

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BUKLOD-LAHI CLASS

CAMP CAPINPIN

COMMANDING GENERAL

EFREN ABU

HARRIS MALANG

MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with