Pulis, mag-asawa tiklo sa droga

STA. MARIA, Bulacan – Tatlo-katao kabilang ang dating pulis na pinaniniwalaang nagpapakalat ng droga ang iniulat na dinakip ng pulisya makaraang salakayin ang dalawang bahay sa Barangay Sta. Clara ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Base sa ulat ni SPO2 Ernesto Sta. Ana, si Joel Nava, ex-police na nakatalaga sa Traffic Management Group (TMG) ay nakumpiskahan ng 5 gramo ng shabu at van na ginagamit nito sa kanyang operasyon.

Samantala, ang mag-asawang sina Hamsa at Jenelyn Mangundaya ng Riverside, Tala, Caloocan City ay nakumpiskahan ng 26 gramo ng shabu at motorsiklo habang walang piyansang inirekomenda ang piskalya sa pansamantalang paglaya ng tatlo. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments