Si Cabredo ay kinasuhan ng Department of Justice sa kautusan na rin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at walang makukuhang benepisyo kahit matagal na sa serbisyo ng hudikatura.
Base sa ulat, nag-isyu ng TRO si Cabredo sa BoC para maipuslit ang 35,000 sako ng bigas.
Kinuwestiyon naman ni Cabredo ang pakikialam ng Pangulo sa desisyon ng judicial branch dahil hindi na dapat sinasaklawan ang ibinabang desisyon ng Supreme Court. (Ulat ni Grace dela Cruz)