^

Probinsiya

Konsehal dinedo

-
CAMP MIGUEL MALVAR, Batangas Isa na namang lokal na opisyal ng pamahalaang Batangas ang iniulat na tinambangan at napatay ng hindi kilalang armadong lalaki habang ang biktima ay sakay ng kanyang owner-type jeep patungo sa munisipyo ng Calatagan kahapon ng umaga sa Barangay Real sa bayan ng Malvar.

Ang biktimang si Bernardo Gomez, 50, ay niratrat ng dalawang nakamotorsiklo bandang alas-8 ng umaga habang patungo sa regular session ng Sangguniang Bayan.

Nakarekober naman ang pulisya ng mga basyo ng armalite sa pinangyarihan ng krimen.

Sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na motibo ang naganap na pananambang kay Gomez.

Sinabi ni P/Supt. Rodolfo Magtibay, si Gomez ay ikatlong opisyal na napatay simula noong Marso 2003.

Unang pinatay si Rolando Meer, Sangguniang Bayan secretary noong Marso 14, 2003 sa harap ng kanyang bahay sa Sto. Tomas, Batangas.

Noong Abril 24, 2003 ay pinagbabaril hanggang sa mapatay si Talisay Councilor Rene Eugenio sa Tanauan City at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nareresolba ang kaso ng dalawa. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

BARANGAY REAL

BATANGAS

BERNARDO GOMEZ

GOMEZ

MARSO

NOONG ABRIL

RODOLFO MAGTIBAY

ROLANDO MEER

SANGGUNIANG BAYAN

TALISAY COUNCILOR RENE EUGENIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with