Kano inaresto sa kasong rape
May 13, 2003 | 12:00am
Isang Amerikanong may-ari ng beach resort ang inaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) makaraang ipagharap ng kasong rape ng isang 12-anyos na batang babae sa kanyang beach resort sa Barangay Agojo, San Andres, Catanduanes noong Biyernes.
Bukod sa reklamong rape ay may mga nakabimbin pang kasong kriminal at sibil si William Norman Munjar, 47, may-ari ng Paradise Resort sa nabanggit na barangay.
Napag-alaman kay BID Commissioner Andrea Domingo, si Munjar ay idineklarang "persona non-grata" ng lokal na pamahalaan ng Catanduanes noong Marso 3, 2003 habang inaayos ng Immigration ang proseso ng deportation.
Ayon kay Domingo, ang pagkakadakip kay Munjar ay kahilingan na rin ng Sangguniang Panlalawigan ng Catanduanes.
Sinampahan din ng kasong estafa ng halagang P1-milyon si Munjar ng kapwa Amerikanong si William Hood at walang maipakitang dokumento sa kanyang pamamalagi sa bansa simula nang dumating ito noong Setyembre 9, 2002. (Ulat nina Butch Quejada at Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest