Sa isinampang reklamo sa Napolcom ni Atty. Arturo Vosotros, nakilala ang mga suspek na sina SPO1 Senen Echavarria, P01 Roel Agrimano at PO1 Edward Hernandez.
Ayon sa reklamo ni Atty. Vosotros sa opisina ng Inspection Monitoring and Investigation Services (IMIS), naitala ang pangyayari dakong alas-10:30 ng gabi noong Abril 25, 2003 sa naturang bayan.
Napag-alaman sa reklamo ni Vosotros na naging kalaban ng mga suspek ang kanyang kliyente sa kaso at pinagsabihan siya ng tatlong pulis na iurong na ang kaso laban sa kanila.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ni Atty. Vosotros at tatlong pulis hanggang sa mairita ang mga suspek at pagtulungang gulpihin ang biktima.
Hindi pa nakuntento sa ginawang pangyayari ay nilagyan pa ng tubig na may sili ang toy gun saka binaril sa mata kaya nagsisigaw ang biktima.
Posibleng masibak sa puwesto ang tatlong pulis kapag napatunayan ng Napolcom ang isinampang reklamo ni Atty. Vosotros. (Ulat ni Lordeth Bonilla)