Ex-governor, misis aarestuhin sa kasong extradition
May 9, 2003 | 12:00am
Nagpalabas na ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court laban sa dating Quezon governor at asawa nito sa pagsusulong ng kasong extradition sa America.
Bukod sa inisyung warrant of arrest ni Judge Eduardo Peralta Jr. laban kina dating Quezon Governor Eduardo Rodriguez at asawang si Emma ay kinansela pa ang inihaing P2-milyong piyansa habang dinidinig ang kasong extradition.
Nauna rito, tinawagan ng pansin ng Supreme Court si Judge Peralta dahil sa katagalang magpalabas ng aksyon sa kaso ng mag-asawang Rodriguez kaya agad namang ang desisyon ang mababang korte at kinansela ang inihaing makapagpiyansa habang isinusulong ang naturang kaso.
Base sa record, ang mag-asawang Rodriguez ay hiniling ng pamahaalng Amerika na ipatapon ang dalawa para harapin ang kasong insurance fraud at grand theft sa Los Angeles matapos na tumakas papalabas ng US.
Napag-alaman pa sa record ng korte na pinalabas ng dating governor na patay na ang kanyang misis at biyenan upang makuha ang insurance pay pero buhay pa pala. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest