Misis ng mayor, 19 pa hinostage ng MILF, ASG
May 5, 2003 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Tatlo-katao ang kumpirmadong nasawi samantala, umaabot sa dalawampung sibilyan kabilang na ang asawat anak ng alkade ang hinostage ng pinagsanib na puwersa ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Abu Sayyaf Group at Misuari Breakaway Group makaraang lusubin ang isang bayan sa Zamboanga del Norte kahapon ng madaling-araw.
Ayon sa ulat ng militar, bandang alas-2 ng madaling-araw nang salakayin ng may 100 armadong kalalakihan ang bayan ng Siocon may 200 kilometro ang layo mula sa Zamboanga City.
Kabilang sa nilusob ng mga rebelde at bandido ay ang munisipyo, pamilihang bayan at ospital habang hindi pa nabatid ang halaga ng ari-ariang winasak.
Hindi naman agad nakilala ang mga biktimang napatay, samantala, kasama sa hinostage ay ang asawa ni Siocon Mayor Cesar Soriano na si Perliza, anak na lalaki at kapatid na si Boboy Soriano, municipal councilor.
Base sa inisyal na ulat, hindi pa nabatid kung ilan ang nasawing sibilyan dahil nanatiling kontrolado ng puwersa ng MILF, ASG at MBG ang nabanggit na bayan pero dalawa sa napatay ay kumpirmadong pulis.
Napag-alaman sa impormasyong nakalap ng militar, marami ang sibilyang napatay dahil sa itinaon sa selebrasyon ng kapistahan ng Siocon.
Iniulat naman ni Eid Kabalu, tagapagsalita ng MILF na aabot sa 50 sundalo ng Phil. Army ang napatay pero hindi naman kinumpirma ng militar ang naturang ulat. (Ulat ni Roel D. Pareño at AFP)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended