Ito ang inihayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng Labor Day kahapon dahil sa kakapusan ng pondo ng nabanggit na lungsod.
Sinabi pa ni Mayor Duterte na bibigyan nila ng prayoridad ang paglalaan ng pondo sa mga naiwanang pamilya ng mga nasawi sa dalawang pagsabog sa labas ng Davao International Airport at Sasa wharf.
Dahil sa naganap na dalawang pambobomba na ikinasawi ng maraming sibilyan ay naapektuhan ang turismo at maging ang mga mamumuhunan ay nagsilikas sa Davao City sa takot na madamay.
Idinagdag pa ni Mayor Duterte na paglalaan din ng pondo para sa seguridad ng lungsod at ang pagdagsa ng mga Pinoy na ipatatapon ng pamahalaang Malaysia.(Ulat ni Danilo Garcia)