Bus at van sinunog ng NPA, 1 patay
May 1, 2003 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Binuhusan bago sinilaban ang pampasaherong bus, delivery van ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) saka pinatay pa ang driver sa naganap na paghahasik ng lagim sa magkahiwalay na bayan sa Camarines Sur noong Martes at Lunes.
Ang driver ng delivery van na nakilala sa apelyidong Ortega ay pinatay ng mga rebelde dakong ala-1 ng hapon makaraang hindi magbigay ng revolutionary tax, ayon kay Brig. Gen. Santiago Prejido, commanding general ng 9th Infantry Brigade na nakabase sa Barangay Sagurong, Pili, Camarines Sur.
Nabatid pa sa ulat na hinarang ng mga rebelde ang Raymond Bus Liner bandang alas10:45 ng umaga sa Sitio Bayaao, Barangay Liboro, Ragay, Camarines Sur.
Bago silaban ng mga rebelde ang bus ay pinababa muna ang mga pasahero at kinuha pa ang P7,500 koleksyon ng konduktor.
Isang araw matapos ang pangyayari ay muling nanunog ng delivery van ang mga rebelde sa Barangay Macad, Balatan, Camarines Sur noong Lunes ng hapon bago nagsitakas patungo sa kagubatang sakop ng Barangay Caditaan. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest