Sinabi ni P/Chief Insp. Elsa Miranda, police chief sa bayang ito, pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng suspek dahil sa pawang mga menor-de-edad.
Dahil sa nagreklamo sina Leo Rodriguez at Severino Rodriguez sa pagkawala ng kanilang panabong na manok noong Marso ay naglunsad ng malawakang pagtugis sa mga suspek.
Ayon pa kay Miranda, isinasagawa ang pagnanakaw bandang alas-9 ng gabi hanggang alas-3 ng madaling-araw saka ipinagbibili sa Caloocan City sa halagang P500 bawat isa.
Kasalukuyang nasa custody na ng Department of Social Welfare and Development ang mga suspek bago ikulong sa Boys Town.
Naniniwala naman si Mayor Gloria Crespo-Congco na nabuwag na ang grupo na nagnanakaw ng mga sasabunging manok sa naturang bayan matapos madakip ang limang suspek. (Ulat ni Manny Galvez)