^

Probinsiya

Batangas councilor grabe sa ambush

-
Tanauan City, Batangas – Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang municipal councilor ng lalawigang ito matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman na hinihinalang ‘hired killer’ sa parking lot ng isang grocery store sa lungsod kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa CP Reyes Hospital ang biktima na si Rene Eugenio, 40-anyos, residente ng Poblacion at konsehal sa Bayan ng Talisay matapos magtamo ng grabeng tama ng bala sa ulo mula sa .45 caliber pistol.

Ayon sa pulisya, ang insidente ay naganap sa parking lot ng TSM grocery sa Poblacion, Brgy. 6, Tanauan City bandang alas-7 ng gabi habang si Eugenio kasama ang asawa nito at tatlong anak ay pasakay sa kanilang owner type jeep nang lapitan ng salarin at agad na pagbabarilin.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek lulan ng isang kulay puting Toyota Corolla na may plakang WLS 453 na may tatlo pang nakasakay na lalaki kung saan mabilis ang mga itong tumahak patungo sa direksiyon ng Bayan ng Sto. Tomas.

Pinaniniwalaan namang pulitika ang motibo ng insidente habang patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso. Narekober sa lugar ang apat na basyo ng bala ng .45 caliber pistol na siyang ginamit sa pamamaslang. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

AYON

BATANGAS

BAYAN

BRGY

EUGENIO

RENE EUGENIO

REYES HOSPITAL

TANAUAN CITY

TOYOTA COROLLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with