Misis nagbaril sa harap ng mister na pulis
April 20, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Isang 20-anyos na ginang ang nagbaril sa leeg sa harap mismo ng mister nitong pulis makaraang magtalo ang mga ito kamakalawa sa Barangay Mambog, Bacoor ng lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Mrs. Divina Dimayuga, ng Phase 1 Perpetual Village ng nasabing barangay habang kusang-loob namang nagbigay ng kanyang salaysay sa pulisya ang asawa ng nasawi na si PO1 Philip Dimayuga na nakatalaga sa Magallanes PNP.
Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, bandang alas-2:30 kamakalawa ng hapon nang magkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawa sa harap mismo ng bahay ng magulang ng biktima.
Sa salaysay ni PO1 Dimayuga, nagulat na lamang siya nang biglang magtungo ang kanyang misis sa kanilang kotse saka kinuha ang Colt cal. 45 na kanyang service firearm.
Itinutok ng biktima ang service firearm ng mister nito sa kanyang leeg saka kinalabit ang gatilyo na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Tinangka pang dalhin sa Imus Medical Center ang biktima pero hindi na ito umabot ng buhay sa nasabing pagamutan sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanyang leeg.
Isinailalim naman sa paraffin test si PO1 Dimayuga upang alamin kung totoong hindi ito nagpaputok ng baril at maging ang nasawi ay isasailalim din sa paraffin test ng pulisya.
Hindi naman nabatid ng pulisya kung ano ang pinagtalunan ng mag-asawa bago naganap ang krimen habang na-recover naman ang ginamit na baril ng biktima sa pagpapakamatay.(Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest