110 squatters dinakip
April 16, 2003 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Umaabot sa 110 eskuwater na pinaniniwalaang nagmula sa Las Piñas City ang iniulat na dinakip ng mga kagawad ng Bacoor police makaraang magtayo ng kanilang bahay sa bakanteng lote na sakop ng Barangay Magdiwang, Molino, Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi.
Sa pagtatanong ng mga pulis-Bacoor sa mga eskuwater, kinilala naman ang pinaniniwalaang tumatayong contact na si SPO1 Samson Bucayani ng nabanggit na barangay.
Nakatakda naman imbitahan ang nabanggit na pulis para magbigay ng kanyang panig sa pagkakadawit ng kanyang pangalan ng mga nadakip na eskuwater.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, kinilala rin ng mga eskuwater ang mag-asawang Emerciano, 67 at Lea Alciega na naningil sa kanila ng P1,500 para makapagpatayo ng bahay kahit walang pahintulot ang kinauukulan.
Kasalukuyang nasa custody ng pulis-Bacoor ang isang trak na may tatak na engineering department, samantala, isa pang trak na may plakang PHY-909 na pinaniniwalaang sinakyan ng mga eskuwater ang mabilis na tumakas. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended