^

Probinsiya

GMA tumanggi sa negosasyon sa Abu

-
Tinanggihan ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang planong pakikipagnegosasyon sa Grupong Abu Sayyaf na bumihag kay Gertrudes Tan, isang negosyanteng Tsinoy sa Jolo, Sulu.

Sa halip, inatasan ng Pangulong Arroyo ang magkasanib na pangkat militar at pulisya para tugisin ang grupong Abu Sayyaf na pinaniniwalaang tumangay kay Tan sa Siasi, Sulu.

Sa kanyang direktiba, sinabi ng Pangulo na kailangang mailigtas si Tan sa mga bumihag na bandido at hindi kailangang daanin sa negosasyon ang paglaya nito.

"We will rescue this victim as well as the remaining hostages. There will be no letup, no negotiations. This strategy, reinforced by community cooperation has proven effective in enabling the escape of the Indonesian hostages," anang Pangulo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ABU SAYYAF

GERTRUDES TAN

GRUPONG ABU SAYYAF

JOLO

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SIASI

TINANGGIHAN

TSINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with