Tsinoy trader kinidnap ng Sayyaf
April 14, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Muli na namang naghasik ng lagim ang grupo ng bandidong Abu Sayyaf makaraang mangidnap uli ng mayamang negosyante sa Jolo, Sulu kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, nakilala ang biktima na si Gertrudes Tan, Filipino-Chinese trader na may-ari ng hardware sa naturang lugar.
Batay sa ulat, patungo sa simbahan ang biktima nang harangin ng mga armadong kalalakihan.
Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay wala pang tawag sa telepono ang pamilya ng biktima mula sa mga bandido na pinalalagay na tumitiyempo lamang na hihingi ng ransom money.
Sinusuyod ngayon ng militar at pulisya ang mga posibleng pagdalhan sa biktima.
Sinalakay noong Sabado ang pinagkukutaan ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Maimbung, Jolo, Sulu at narikober ang limang riple at ibat ibang uri ng bala, ayon sa ulat ng miltar. (Ulat ni Danilo Garcia at ng AFP)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 11 hours ago
By Victor Martin | 11 hours ago
By Omar Padilla | 11 hours ago
Recommended