^

Probinsiya

Palengke pinasabog, 3 sugatan

-
KORONADAL CITY – Tatlo-katao kabilang na ang barangay chairman ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang sumabog ang itinanim na bomba sa pampublikong palengke sa lungsod na ito noong gabi ng Miyerkules, Marso 26, 2003.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Romeo Rufino, South Cotabato police director ang mga biktimang sina Crisostomo Gabut, barangay chairman; James Barba, market guard; at Martin Paculna at pawang miyembro ng Civilian Volunteers Organization (CVO) na nagbabantay sa naturang lugar.

Ang pagsabog ay naganap bandang alas-8:50 ng gabi sa main gate ng palengke at ikalawang pangyayari na simula noong Pebrero 21 na pinasabog naman ang shopping mall.

Napag-alaman pa kay Rufino, ang bomba na may battery-operated improvised at nakalagay sa apat na litrong plastic gallon ng lubricant oil at namataan ni Carlito Pascual, may-ari ng stall sa palengke habang papauwi.

Ang bomba ay itinanim malapit sa mga batang naglalaro sa loob ng palengke at inakalang container lamang saka kinuha at ibinigay naman kay Louie Canon, isang market guard.

Sa pag-aakalang isang container lamang na naglalaman ng tubig ay inilagay naman nito sa electric post at ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay sumambulat na ang bomba.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kinalaman ang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa naganap na pangyayari. (Ulat nina John Paul Jubelag/John Unson)

vuukle comment

CARLITO PASCUAL

CIVILIAN VOLUNTEERS ORGANIZATION

CRISOSTOMO GABUT

JAMES BARBA

JOHN PAUL JUBELAG

JOHN UNSON

LOUIE CANON

MARTIN PACULNA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

ROMEO RUFINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with