4 CVO dedo sa ambus

CAMP AGUINALDO – Apat na miyembro ng Civilian Volunteers Organization (CVO) ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Surigao del Sur, ayon sa ulat ng militar.

Ang mga biktimang sina Romulo Suazo, 45; Andreito Suazo, 48; Benjamin Plusan, 27 at Jimm Magadan, 38 na pawang residente ng Barangay Union, Lingig ng naturang lugar, samantala, sugatan naman si Dioscoro Purol makaraang tamaan ng ligaw na bala ng baril.

Napag-alaman sa ulat na ipinadala sa Camp Aguinaldo, ang mga biktima ay patungo sa bahay ni Rudy Alonzo nang tambangan ng mga rebelde. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments