P17.6-M kargamento hinaydyak
March 24, 2003 | 12:00am
CABIAO, Nueva Ecija Tinatayang aabot sa P17.6-milyong kargamentong sakay ng truck ang iniulat na hinaydyak ng limang hindi kilalang armadong kalalakihan sa kahabaan ng Gapan-Olongapo Road, Barangay Layak, Dinalupihan, Bataan kamakalawa ng madaling-araw.
Napag-alaman sa ulat na isinumite kay P/Supt. Elsa Miranda, hepe ng Cabiao police station, naganap ang pangyayari bandang alas-4:20 ng madaling-araw makaraang iparada nina Edwin Juan, 29, driver, at Albert Padilla, 24, pahinante ang minamanehong truck sa gilid ng highway.
Habang jumijingle ang driver ay sumulpot ang hindi kilalang armadong lalaki sa kanyang likuran at hinampas siya ng matigas na kahoy sa ulo na naging sanhi para mawalan ng malay-tao.
Ayon pa sa pagsisiyasat ng pulisya, ang dalawa na kapwa trabahador ng EGL Enterprises sa Barangay Macabiling, Sta. Rosa, Laguna ay ibinaba sa Barangay Sta. Ines sa bayang ito. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest