Base sa ulat na nakarating kahapon sa kampo ng Armys 6th Infantry Division, hinagisan ng granada ng mga rebelde ang gasolinahan na sakop ng Koronadal City na ikinasugat ng malubha nina Mansueto Sanchez at Junifer Degala dahil sa tama ng shrapnel sa ibat ibang bahagi ng katawan.
May inisyal na teorya ang pulisya na ang ginawang pagpapasabog ng mga rebelde sa gasolinahan ay para piliting magbigay ng protection money ang may-ari.
Sa kabilang kaganapan naman ay malubhang nasugatan si Wilfredo Eron, miyembro ng civil security group sa lokal na pamahalaan ng Kidapawan City makaraang aksidenteng sumabog ang granada na nasa kanyang bulsa.
Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang pinagmulan ng granada na nasa pag-iingat ni Eron dahil siya ay ordinaryong watchman ng lokal na pamahalaan. (Ulat ni John Unson)