^

Probinsiya

NPA kumander todas sa engkuwentro

-
CAMP AGUINALDO Isang kumander ng New Peoples Army (NPA) ang napatay matapos maka-engkwentro ng militar ang rebeldeng grupo kamakalawa sa Majayjay, Laguna.

Ayon sa ulat na natanggap ni Lt. Gen. Gregorio Camiling Jr., Army chief, ang napaslang na NPA lider ay nakilalang si Ka Larry habang nakumpiska naman ng mga sundalo ang ilang armas at subersibong dokumento na nagpapatunay na may ugnayan ang NPA sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Batay sa ulat ni Maj. Gen. Efren Abu ng 2nd Infantry Division ng PA, bandang alas-4:30 ng hapon habang nagpapatrulya ang militar sa pamumuno ni 2nd Lt. Percival Alcanar sa Barangay Gagamot ng nasabing bayan ng matyempuhan ng mga ito ang may 20 armadong rebelde.

Tumagal ng 30-minuto ang palitan ng putok hanggang sa mapaslang ang lider ng NPA habang nasugatan naman ang sundalong si Sgt. Carlos Palangdao.

Nabawi ng militar ang 4 na M-16 armalite riffles, ibat ibang bala, granada at subersibong dokumento na nagpapatunay ng kaugnayan ng NPA sa MILF.

Ang sugatang sundalo ay ginagamot sa Luisiana hospital pero ligtas na sa peligro.

Tinutugis naman ng mga tauhan ng 1st Infantry batallion ng Army ang mga nagsitakas na miyembro ng NPA. (Ulat ni Danilo Garcia)

BARANGAY GAGAMOT

CARLOS PALANGDAO

DANILO GARCIA

EFREN ABU

GREGORIO CAMILING JR.

INFANTRY DIVISION

KA LARRY

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NEW PEOPLES ARMY

PERCIVAL ALCANAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with