^

Probinsiya

Mag-anak na pusher patay sa ambush

-
ILOCOS SUR –Apat na miyembro ng pamilya kabilang ang pinaghihinalaang shabu queen ang nasawi makaraang tambangan ang mga ito ng hindi nakilalang grupo kamakalawa ng hapon sa lalawigang ito.

Kinilala ni Sr. Supt. Mario Sabungan, provincial director, ang mga biktima na sina Marilou Camacho, ang mga magulang nito na sina Modesto at Stefanie Fieldad at Constante Fieldad na pawang nakatira sa San Julian, Vigan City.

Ayon sa ulat, nakasakay ang mga biktima sa Hyundai Besta van at tinatahak ang highway sa Barangay Pug-os, Cabugao ng bigla silang harangin ng mga armadong kalalakihan.

Pinagbabaril ng grupo na armado ng M-16 armalite riffle ang mga biktima na agad nasawi sa pinangyarihan ng insidente.

Sinabi ng mga awtoridad, si Marilou ay kabilang sa kanilang order of battle na pinaghihinalaang shabu queen sa kanilang lalawigan at ilang ulit na ring naaresto dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga.

Inaalam din ng mga awtoridad kung may kinalaman ang ginawang pananambang sa nasabing pamilya sa awayan sa lupa ni Marilou na umano’y nais kunin ng kanyang live-in partner. (Ulat nina Danilo Garcia at Myds Supnad)

vuukle comment

BARANGAY PUG

CONSTANTE FIELDAD

DANILO GARCIA

HYUNDAI BESTA

MARILOU

MARILOU CAMACHO

MARIO SABUNGAN

MYDS SUPNAD

SAN JULIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with