3 barangay opisyal minasaker
March 14, 2003 | 12:00am
CAMP SIONGCO, Maguindanao Tatlong opisyal ng barangay na pinaniniwalaang patuloy na tumatangging magbigay ng suporta sa makakaliwang kilusan ang minasaker ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa harap ng mga pasaherong kasama ng mga biktima sa sasakyan sa Tulunan, North Cotabato kamakalawa.
Sa ulat ni Army Major Julieto Ando, spokesman ng Armys 6th Infantry Division, kinilala ang mga biktima na sina Alfonso Igniam, 34, barangay chairman sa Bakung, Tulunan; Victor Tadem, 42, barangay konsehal; at Armando Duco, 27, barangay treasurer.
Napag-alaman pa kay Ando na lulan ng pampasaherong sasakyan ang mga biktima patungo sa bayan ng Tulunan mula sa Barangay Bakung nang harangin ng mga rebelde ang sinasakyan ng tatlo na may ibang pasahero.
Pinababa ang tatlo saka pinagbabaril sa harap mismo ng mga pasahero at mga residente ng naturang lugar.
Nag-iwan pa ng maikling sulat ang mga rebelde na sinasabing hinatulan ng kamatayan ang tatlong opisyal ng barangay dahil sa pang-aabuso sa kanilang kapangyarihan at sangkot sa cattle-rustling.
Ayon naman sa militar na ang mga biktima ay tumatangging magbigay ng buwanang protection money sa makakaliwang kilusan kaya pinatahimik. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest