3 patay sa isang kainan
March 11, 2003 | 12:00am
HERMOSA, Bataan Tatlo-katao ang iniulat na napatay sa naganap na duwelo ng barilan sa loob ng kainan sa Barangay Culis sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Romeo Sioson, 50, may asawa, negosyante; Rolando Sabado, 35, may asawa, isang Overseas Pilipino Worker at residente ng Barangay Culis, Hermosa, Bataan at Danilo Mendoza, ng Barangay Tapulao, Orani, Bataan.
Malubhang nasugatan naman si Alfie Layson, 17, ng Barangay Palihan, Hermosa na tinamaan ng ligaw na bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong ala-1 ng madaling-araw sa loob ng Miranda Restaurant sa nabanggit na barangay.
Habang kumakain at nag-iinuman ng alak ang grupo ni Sioson, kasama ang pinsang doktor at driver nito ay dumating ang grupo ni Sabado kasama sina Mendoza, Allan at utol na si Ronillo.
Sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa mga nakasaksi sa pangyayari, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkabilang panig at kaagad na nagbunutan ng baril sabay nagpaputok na ikinasawi ng tatlo.
Nagpulasan naman ang ibang customer upang umiwas sa mga ligaw na bala ngunit tinamaan naman si Layson na ngayon ay inoobserbahan sa ICMC Hospital. (Ulat ni Jonie L. Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest