Inoobserbahan sa Amang Rodriguez Hospital si Antonio Ancheta, 39, ng Purok 5, Zone 8, Barangay Cupang dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo at mukha.
Samantala, ang suspek na mabilis na tumakas ay nakilalang si Dionisio Lorico, may-ari ng apartment na inuupahan ng biktima.
Naitala ng pulisya ang krimen dakong alas-7 ng gabi matapos na singilin ng suspek ang kanyang kumpare.
Ngunit walang maibayad kaya humantong sa mainitang pagtatalo hanggang sa maganap ang krimen. (Ulat ni Joy Cantos)