^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
Informer ng militar at pulisya, itinumba
TABACO CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapaslang sa harapan mismo ng kanyang biyenang lalaki ang isang 24 anyos na lalaki na itinuturong asset ng militar at pulisya ng mga nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Borobalagan, Brgy. Sua Igot sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Allan Valenzuela, may asawa, isang abaca striper at residente ng naturang lugar.

Base sa report, bandang alas 10:00 ng gabi habang ang biktima at biyenan nito ay kasalukuyan nang natutulog sa kanilang kubo nang pasukin at pagbabarilin ng mga rebelde.

Iniimbestigahan pa ang kaso habang patuloy ang pagtugis laban sa grupo ng mga suspek. (Ulat ni Ed Casulla)
Lalaki napagkamalang rapist, todas sa sekyu
CAINTA, RIZAL – Dahilan sa pagtakbo nang naka-brief, pinagbabaril at napaslang ang isang 49 anyos na lalaki matapos na mapagkamalang rapist ng guwardiya ng isang subdibisyon kahapon ng madaling araw sa bayang ito.

Nakilala ang biktima na si Eduardo Porral, 49 anyos na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan habang ang suspek naman ay kinilalang si Jack Mamaril, 26, miyembro ng A&T Security Agency at nakatalagang guwardiya sa Midtown Village sa Brgy. San Andres ng bayang ito na mabilis na tumakas matapos ang insidente bitbit ang kanyang baril na ginamit sa pamamaslang.

Base sa imbestigasyon, naalimpungatan umano ang biktima dakong alas 4:30 ng madaling araw kung saan nagtatakbo ito at pumasok sa nasabing subdibisyon pero sa kasamaang palad ay nasawi nang barilin ng guwardiya dahilan sa maling hinala na isa itong rapist na nambibiktima sa mga kabataang babae. (Ulat ni Joy Cantos)
Mahigit 100 bata nabiyayaan
TRECE MARTIREZ CITY – Mahigit isang daang batang may kapansanan ang nabiyayaan sa isinagawang Operation HOPE ( Helping Other People Excel ) ng mga miyembro ng Philippine American Group of Educators and Surgeons (PAGES) kamakailan.

Ayon kay Cavite Governor Ayong Maliksi, malaki ang naitulong ng PAGES sa kanilang lugar dahilan sa pagkakaloob ng libreng operasyon sa mga batang may edad mula isang buwan hanggang 12 anyos na may kapansanan sa mukha tulad ng cleft at lift palate mula nitong Pebrero 8-14 na ginanap sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial hospital sa lungsod na ito.

Nabatid na nagkaroon ng kasunduan sina Maliksi at ang PAGES na magsasagawa ito ng libreng operasyon sa mga may kapansanang bata simula noong taong 2001 hanggang sa kasalukuyan. (Ulat ni Rudy Andal)

ALLAN VALENZUELA

BRGY

CAVITE GOVERNOR AYONG MALIKSI

ED CASULLA

EDUARDO PORRAL

EMILIO AGUINALDO MEMORIAL

HELPING OTHER PEOPLE EXCEL

JACK MAMARIL

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with