^

Probinsiya

6 libo lalahok sa school news writing competition

-
Tinatayang aabot sa 6,000 mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong eskuwelahan ang kalahok sa school newspaper competition na gaganapin sa Mandaue City at Lapu-Lapu, Cebu bukas, Pebrero 25, 2003.

Napag-alaman kina Prudence M. Sanoy, chairman ng group contest category at Angelito Pineda, chairman ng individual news writing competition na aabot sa 16 Region kasama na ang ARMM ang lalahok na eskuwelahan.

Sinabi ni Virgilio Santos, national coordinator ng news writing contest ng Department of Education (DepEd) na ihahayag bukas ang mga nanalong kalahok sa school newspaper regional competition na napili na noong nakaraang Martes, Pebrero 18, 2003 sa Bulwagan ng Karunungan, Pasig City.

May mga kategorya ang isinagawang pagpili, ang 40 mamamahayag at patnugot sa iba’t ibang pahayagan sa Metro Manila katulad ng school news writing, editoryal, sports news, lay-out structure, photo caption.

Ayon pa kay Ms.Prudence Sanoy, isasagawa ang actual na school news writing competition sa naturang lugar.

Ang nabanggit na news writing competition ay isa sa programa ng Department of Education (DepEd) na taun-taon ginaganap. (Ulat ni Mario D. Basco)

vuukle comment

ANGELITO PINEDA

DEPARTMENT OF EDUCATION

MANDAUE CITY

MARIO D

METRO MANILA

PASIG CITY

PEBRERO

PRUDENCE M

PRUDENCE SANOY

VIRGILIO SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with