Tower ng Napocor pinasabog ng MILF
February 22, 2003 | 12:00am
ZAMBOANGA Pinasabog ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang tower ng National Power Corportion (NAPOCOR) sa Bayan ng Carmen, North Cotabato kahapon na nagresulta para mawalan ng supply ng kuryente ang nabanggit na bayan.
Napag-alaman na isa pang bomba ang namataan ng militar sa ikalawang tower ng kuryente, ngunit kaagad namang naagapan.
Sinabi ni Major Julieto Ando, tagapagsalita ng militar na ang pagpapasabog sa tower ng Napocor ay ikapitong tower na ang nawawasak ng mga rebelde nitong buwan.
Aniya na matindi ang ginagawang resbak ng mga rebeldeng MILF dahil sa pagkakakubkob ng tropa ng militar sa Buliok complex na ikinasawi ng aabot sa 200 rebelde noong nakalipas na linggo.
"Ang pagpapasabog ng mga tower ng Napocor ay paghihiganti lamang ng mga rebelde sa sinakop na malaking kampo," ani Ando.
Inakusahan din ng militar ang mga rebeldeng MILF sa naganap na pagmasaker sa 14 na sibilyan sa isang liblib na barangay sa Zamboanga del Norte.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest