^

Probinsiya

Mass evacuation sa Maguindanao

-
CAMP SIONGCO, Maguindanao Nagsimula na umanong magsilikas ang mga naninirahan sa Secretary Narciso Ramos highway sa Matanog ng lalawigang ito upang makaiwas na maipit sa labanan ng militar at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Kinumpirma ni Speaker Ibrahim Ibay ng Regional Legislative Assembly ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na nagsisimula na umanong umalis sa kanilang mga tahanan ang mga sibilyan dahil sa takot na maipit sila sa giyera ng MILF at militar.

Aniya, karamihan sa kanyang mga kaanak sa Matnog ay nagsimula nang magsilikas noong nakaraang linggo sa ligtas na lugar.

Nangangamba ang mga sibilyan na madamay sila sa magiging labanan ng MILF at sundalo matapos tambangan ng MILF ang mga miyembro ng 514th engineering brigade battalion ng Philippine Army kamakailan sa Barangay Langkong.

Nagpasya ang mga sibilyan na lisanin ang kanilang mga tahanan dahil sa takot na gumanti ang mga lokal na MILF sa kanilang lugar bilang suporta sa kanilang mga kasamahan na nakikidigma sa militar sa Pikit, North Cotobato.

"The people of Matnog concluded outright that the rebel leaders have planned to mount offensives in areas traversed by the highway so they decided to evacuate," wika pa ni Ibay.

Ipinaliwanag pa ni Ibay, hiniling na rin niya sa social welfare at health department ng ARMM na ayudahan nito ang mga nagsisilikas na mga sibilyan. (Ulat ni John Unson)

AUTONOMOUS REGION

BARANGAY LANGKONG

IBAY

JOHN UNSON

MATNOG

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MUSLIM MINDANAO

NORTH COTOBATO

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with