6 killer ng pulis, sibilyan tiklo
February 18, 2003 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City Anim sa mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) na lumusob sa police precinct at nakapatay ng tatlong pulis, sibilyan ang iniulat na nadakip na ng tropa ng militar habang ang anim ay nakasakay sa kinulimbat na pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa Barangay Tagdon, Sorsogon City.
Kasalukuyang nasa custody ng 21st Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga rebeldeng sina Nicanor Lagsit, 24, Mark Anthony Hulay, 15, Albin Hubilla, 15, Michael Escober, 16, Renan Janer, 19, at Jagos Jestre, 25, at anim na menor-de-edad na lalaki na hindi binanggit ang mga pangalan na pawang residente ng Barangay Marinas, Sorsogon City.
Sa isinumiteng ulat kay P/Chief Supt. Rodolfo Tor, Bicol police director, nakorner ang anim bandang alas-8:15 ng gabi habang sakay ng dyip na ginamit sa paglusob sa police community precinct sa Sitio Gubat, Sorsogon noong Pebrero 14 ng gabi.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na ang kinulimbat na pampasaherong dyip ay pag-aari ni Angel Floralde ng Brgy. Tagdon, Barcelona na sinakyan naman ng may 15 rebelde saka isinagawa ang pagsalakay sa presinto.
Napatay sa pagsalakay ng mga rebelde sina SPO2 Danilo Doctoma, PO3 Ernesto Edrada, PO2 Albino Cadag na pawang alagad ng batas mula sa Gubat municipal police station at ang sibilyang nakilala sa pangalang Charlie. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 22 hours ago
By Cristina Timbang | 22 hours ago
By Tony Sandoval | 22 hours ago
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am