5 NPA sumuko
February 9, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Dahil sa matinding kahirapang nararanasan sa kagubatan ay nagpasyang sumuko ang limang rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa mga opisyal ng Armys 7th Special Forces Battalion sa Barangay Mindupuk, Maitum, Saranggani kamakalawa ng tanghali.
Kabilang sa nagsisuko ay nakilalang sina Minta "Ka Gambat" Bansalao; Peling Guinang; Sanggagan Bansalao; Dodong Bansalao at Panguilima Bansalao na pawang residente ng Barangay Sapu, Masla, Malapatan.
Isinuko rin ng mga rebelde ang kanilang armas habang isinailalim naman sila sa tactical interrogation ng militar. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest