^

Probinsiya

Pulis binoga sa lamay

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite — Kasalukuyang nakikipaglaban kay Kamatayan ang isang alagad ng batas mula sa Camp Crame makaraang barilin sa ulo ng senglot na lalaki nang dumalaw ang biktima sa yumaong kamag-anak na nakahimlay sa Barangay Tamakan, Amadeo, Cavite kahapon ng tanghali.

Isinugod sa UMC Hospital ang biktimang si SPO4 Roman Amparo at residente ng Barangay Samakan sa bayang ito.

Tinutugis naman ng mga awtoridad ang suspek na si Hilario Bawalan matapos isagawa ang krimen dakong alas-12:30 ng tanghali sa nabanggit na barangay.

Napag-alaman kay SPO1 Lorenzo Balbuena, bago naganap ang pangyayari ay nagkaroon ng alitan ang dalawa sa hindi nabatid na isyu kaya nagtanim ng matinding galit ang suspek.

Nagkataon namang dumalaw ang biktima sa yumaong kamag-anak at namataan ng suspek na lango sa alak.

Ilan sa nakasaksi sa pangyayari na hindi nag-atubiling lapitan ng suspek ang biktima at kaagad na binaril sa ulo.

Hindi naman nakuhang arestuhin ng mga barangay tanod ang suspek dahil sa takot na sila ang putukan ng hawak na baril kaya malayang nakatakas sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

AMADEO

BARANGAY SAMAKAN

BARANGAY TAMAKAN

CAMP CRAME

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

HILARIO BAWALAN

ILAN

LORENZO BALBUENA

ROMAN AMPARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with