Kaagad namang isinugod sa Egano Community Hospital at Aurora General Hospital sina Sgt. Richard Pilande at isang kawal na nakilala lamang sa pangalang Sgt. Itum.
Kabilang sa malubhang nasugatan ay sina Caryn Mae del Rosario, 9; Ruby Laspeñas, 26; Neica Adaalem, 2; Elvie Lugbugan, 20; Edlim Quilicot, 22; Kim Quilicot, 3; Clark Cent Lugbugan, 5; April Ivy Adalem, 23; Rosita Ordeliza, 39; Klem Quilicot, 5; Allan del Rosario, 30; Ruth Sunogan, 53; Dalton Sonogan, 26, at Alyn Mission, 31; at ang isa pang inaalam ang pagkikilanlan.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naitala ang aksidente dakong alas-5:30 ng hapon makaraang iwasan ng military truck ang kasalubong na sasakyan kaya sumalpok sa punongkahoy.
Napag-alaman na nakisakay lamang ang mga sugatang sibilyan sa M35 Army truck ng Area Support Command patungo sa Panakan, Davao City nang maganap ang aksidente. (Ulat ni Joy Cantos)