5 NPA, 2 militar patay sa encounter
February 3, 2003 | 12:00am
DAVAO Limang rebeldeng New Peoples Army (NPA) at dalawang sundalo ng Philippine Army ang iniulat na nasawi makaraan ang dalawang oras na encounter sa kagubatang sakop ng Mati at Davao Oriental sa katimugang bahagi ng bansa, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Sa ulat na nakalap kay P/Chief Supt. Catalino Cuy, police provincial director na nagsasagawa ng routine patrol ang magkasanib na tropa ng militar at pulisya nang atakihin sila ng hindi nabatid na bilang ng mga rebeldeng NPA noong Sabado.
Sinabi ni Cuy na apat na sundalo ng militar ang nasugatan at pansamantalang hindi muna ibinunyag ang mga pangalan.
Bunsod ng kautusan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay paigtingin pa ang pakikibaka laban sa rebeldeng NPA matapos na mapatay ang dating NPA kumander na si Romulo "Ka Rolly" Kintanar.
Si Kintanar ay nakikipagtulungan sa gobyerno sa isinasagawang peace talks bago pa mapatay noong nakalipas na buwan habang kumakain sa isang restaurant sa Quezon City. (Ulat ng AFP)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
11 hours ago
Recommended