Paslit natusta sa sunog
January 28, 2003 | 12:00am
LUCENA CITY Isang apat-na-taong gulang na batang lalaki ang namatay makaraang masunog ang bahay ng kanyang lolo at lola kamakalawa sa Brgy. Gulang-Gulang sa lungsod na ito.
Sa ulat na tinanggap ni Lucena City police chief, Supt. Danilo Ramon Sionco, kinilala ang nasawing bata na si John Clifford Vendiola na nagtamo ng 3rd degree burns at hindi makilala dahil sa sunug na sunog ang bangkay.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, nahulog at nabasag ang lampara na kaagad namang nagliyab habang mahimbing na natutulog ang biktima kasama ang kanyang lolo at lola.
Ayon pa sa ulat, mabilis na kumalat ang apoy nang magising ang mag-asawang matanda at dala marahil ng kalituhan ay tumakbong palabas ng bahay at naiwang natutulog ang biktima.
Tumagal ng isang oras ang sunog at nadamay ang katabing malaking apartment hanggang naagapan ng mga pamatay-sunog ng lungsod ng Lucena. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 3 hours ago
By Victor Martin | 3 hours ago
By Omar Padilla | 3 hours ago
Recommended